"Tita penge pa ng token. Maglalaro ako dun" sabay turo sa isang stall "I want that purple pig stuff toy" at pinagdikit pa ang palad.
Binigyan ko sya ng limang token, wala naman akong gagawin dun eh. Mula pagkabata hindi ko talaga nakahiligan maglaro.
Tumakbo na sya papunta sa stall kung saan sya maglalaro. Naghanap ako ng bench at umupo dito. Pinapanood lang ang pagdaan ng ibat ibang klase ng tao.
Siguro hindi ko na talaga gugustuhin pa maglaro kahit kailan!. Dahil hanggang ngayon nanghahawak pa rin ako sa pangako niya.
Flashback
"Happy 8th birthday Kiara!! Blow your candles na." I blow the candle at nagpalakpakan sila.
"Happy birthday Kiara"
"Kiara ang ganda naman ng dress mo"
"Punta ka rin sa party ko ah"
"Here' my gift"
"Punta ka sa house namin next week ah. Ipapakita ko yung new barbie ko"
Natutuwa naman ako sa mga girl classmates ko. "Thankyou kasi pumunta kayo!" Sabi ko sa kanilang lahat.
Yung mga classmate ko na mga lalake kumakain lang ehh hahaha.
Pinuntahan ko ang isang table kung saan nakalagay ang mga gifts.
Inalog alog ko isa-isa. Tina-try ko hulaan kong anong nasa loob.
"Hoy!"
"Ahhhh" nagulat ako dun sa bigla-biglang nangangalabit sa akin.
"Kainis ka. Muntik na ako mamatay sa gulat" at pinalo palo ko sya sa braso.
"Hahaha sorry na. Uy sorry na!" Umiyak ako at niyakap nya ko. Bwisit talaga tong lalaking ito eh. Alam na nga nyang magugulatin ako.
"Kiara sorry na talaga. Don't cry na. Baka pagalitan ako ni mommy Mina"
Mommy Carmina "Mina" that's my mom. Ewan ko nga kung bakit nya tinatawag na mommy ang mommy ko eh.
Huminahon na ako. "Yieee iis-smile na yan"
Napangiti ako.
"Wag mo na akong gugulatin sa sa susunod ahh"
"Syempre! Happy birthday nga pala! Eto gift ko sayo!" Inabot nya sakin ang kahon na hugis rectangle at may giftwrap na color purple.
Yieee purple my fav. Color
"Wow thank you Sean! Bubuksan ko na ito!!"
"Mamaya mo na buksan pagkatapos ng party. Tsaka gusto ko kasama mo ako sa pagbukas nyang gift ko sayo"
"Ahh okay. Tara kain ka na muna"
Hinila ko sya palapit sa table ng mga pagkain.
"Hi Sean enjoy ka lang sa party ni Kiara ahh" sabi ni mommy kay Sean.
Kilala na sya ni mommy dahil lagi syang nasa bahay para makipaglaro sa akin. Kaya nahiligan ko na rin maglaro ng cars. Syempre tinuruan ko rin sya maglaro ng luto-lutuan at barbie. Pero ang favorite ko sa lahat ay pag naglalaro kami ng bahay-bahayan. Sya yung daddy at ako ang mommy.
"Opo mommy Mina!"
Ngumiti si mommy sa kanya.
Pagkatapos nya kumuha ng pagkain, pumunta kami sa isang table at sinabayan ko sya kumain.
"Ang ganda mo Kiara ngayon! Ay mali, araw-araw ka nga palang maganda." Sabi nya at sumubo ulit
Namula yata ako sa sinabi nya. Pero nabanggit ko na ba sa inyo? Ay hindi pa yata. Kaya sasabihin ko ito sa inyo.
Pero ipromise nyo na secret lang natin ito ah.
Shhh wag talaga kayong maingay ahh.
Crush ko si Sean... Kyaaahh wag nyo ako isusumbong sa kanya ahhh!!
Pogi kasi sya, mabait, lagi akong kinakalaro at pogi ulit.
Kumain nalang ako ng kumain.baka bigla nalang akong magtatatalon dito!
***
Tapos na ang party ko. And it was wonderful.
Nagsi-uwian na rin ang mga friends, schoolmates and classmates ko.
Nagliligpit nalang ang mga yaya namin. Ako naman busy sa pag-akyat sa kwarto ko lahat ng regalo na natanggap ko. Nakadalawang balik ako, ang dami kasi ehh.
Wait!... Parang may kulang. Nakatayo ako ngayon sa room ko at tinitignan ang mga regalo. Lumuhod ako at hinalungkat mabuti pero di ko makita. Asan na ba yun??!! Excited pa naman ako buksan yun.
"Eto ba hinahanap mo?"
Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Sean na hawak hawak ang regalo nya sa akin.
Tumakbo kaagad ako sa kanya at kinuha ito.
"Haaay kala ko nawala na ito!! Sayo pa naman galing ito!, kinabahan ako dun ah, baka kasi pag nawala ko ito di ka na makipaglaro sa akin"
"Hahaha hindi ako mababaw para lang magalit dahil nakawala ka ng materyal na bagay. Pero yan, hindi mo talaga dapat yan walain"
Ngumiti nalang ako sa kanya. Burara ko kasi ehh noh.
"Oo na sorry na! Samahan mo nalang ako magbukas ng gifts!" Sabay hila ko sa kanya sa carpet ng room ko dahil dito nakalatag lahat ng gifts ko.
Syempre ihuhuli ko yung galing sa kanya.
***
"Haaay andami ko na namang bagong dresses and toys" sabi ko habang tinitignan ang mga regalo sa harap ko
Ang natitira nalang ay yung regalo ni Sean.
"Okay bubuksan ko na tong regalo mo" kahit na labag sa kalooban kong punitin ang purple na giftwrap, ang ganda kasi eh.
Nakangiti lang sya habang pinapanuod akong buksan ang regalo.
Napatakip ako ng bibig ko.
OH MY GOSH!!!
"Omg KYAAAHH ITO... ITO YUNG GUSTO KO NA LIMITED EDITION NG BARBIE SA FRANCE!!! Hala mahal toh ahh!! Awiee Sean I really appreciate it!!!. Ito talaga yung gusto ko." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Hahaha syempre kahit anong dolls pa yan, basta masaya ka!"
My birthday is now more than wonderful.
This day is magical.
Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ang barbie. Grabe di talaga ako makapaniwala.
Pinagmasdan ko ang magandang pagkakayari dito. And wow! May suot ito na necklace. Ang cute nung necklace nya. Heart shape yung necklace.
"Buksan mo iyan" sabi nya.
Kumunot ang noo ko "Huh?"
"Ayan. Yung heart shaped nacklace buksan mo."
I tried at oo nga nabubuksan nga.
Kinilig ako sa nakita ko. Picture naming dalawa inside a heart.
I think my heart is melting because of joy.
"Omg ang ganda!!" Bagay tayo... Haha
"Kunyari ako ang daddy at ikaw ang mommy ano ang ipapangalan natin jan sa anak natin?"
Natigil ako sa pagkamangha sa barbie dahil sa sinabi nya. Papatayin ba ako neto sa kilig?
"Anak natin?" Tanong ko
Tumango sya.
Hmmm?? Ano bang magandang pangalan?
Eh kung Kiara para kapangalan ko?
Eh ayoko.
Uhhmm Sean kaya?
Ehh panlalake naman yun ehh!!
AHA!
"Purple! purple nalang ang ipangalan natin!" Hehe favorite color ko kasi yun!
"Tsk diba ako naman ang tatay, pwede black nalang? Mas maganda yun!" Suhestyon nya.
Ehhhh!!! AYOKO
"Ayoko nga!! Black isn't a beautiful name"
"Edi pagsamahin nalang natin!"
Huh? Pagsamahin? Ano ba ang magiging kulay kapag pinagsama ang black at purple? Tss parang ang panget ng kakalabasan.
"Oh sige paano?"
"Blaple!!"
Blaple? Ohsige na nga!
"Sige ayun nalang cute naman ehh" sabi ko.
Pero mas maganda talaga kung purple noh?
"Wag na wag mong pababayaan ang anak natin ahh!" Sabi nya.
"Oo naman" tumango ako at ngumiti.
"Kiara kasi... Aalis kami bukas. Sa ibang bansa na ako mag-aaral hanggang college. Sorry ahh"
Ano??
"Huh? Iiwan mo ako?"
"Ehh... Hindi naman sa ganun. Dahil anjan si Blaple at anjan din ang picture natin dalawa lagi lang akong nanjan sa tabi mo"
Tumulo yung luha ko. Wala na akong kalaro?
"Pero iiwan mo parin ako ehh"
"Sorry na talaga. Wag ka mag-alala pinayagan naman ako ni mommy mag-sleep over ngayon dito dahil alam ni mommy na mamimiss mo talaga ako!"
"Mamimiss talaga kita sobra" sabi ko at humagulgol na
"Babalik naman ako ehh. Basta ako lang ang best playmate mo ah"
***
"Mommy si Sean po?" Tanong ko kay mommy pagkagising ko palang kinukusot pa ang mata.
"Umalis na sila kaninang madaling araw pa anak"
Huh? Iniwan nya na ako!
Tumakbo ako kay mommy, niyakap ko sya at humagulgol na naman!
Nagising lang ako! Nawala na sya!
End of Flashback
Ang tanga ko noh. Kasi kahit na ang tagal nya nang hindi pa bumabalik, graduate na ako, kinasal na ate ko, may anak na ate ko, may trabaho na ako. Pero hanggang ngayon hinihintay ko pa rin na bumalik sya.
Pinupunasan ko na ang pawis nitong pamangkin ko, dahil uuwi na kami
"Tita balik tayo ulit sa susunod ahh"
"Oo na nga!"
"Yehey!!!"
Pinainom ko sya ng tubig. At iniligpit ang mga damit nya sa bag.
"Jezza akin na yung towel!" Tawag ko pero walang lumalapit sa akin kaya nilingon ko na siya.
What the fck?!! Nasaan na yun!??
"Jezza!!" Tawag ko. Nag-aalala na ako. Lagot ako nito sa ate ko.
May kumalabit sa hita ko kaya lumingon agad ako. "Jezza! Ano ka ba naman! Saan ka ba nagpupunta? Wag mo nang uulitin yun ahh"
Tumango lang sya at may ipinakita sa akin na barya. Tumaas ang kilay ko. Parang di pa ako nakakakita ng ganitong barya ahh.
"Saan mo naman nakuha toh?" Tinignan kong mabuti ang barya.
O __ O
May nakasulat sa barya.
I missed you
Sorry kung
Antagal ko
Bumalik
-Sean
Naging blurred ang paningin ko dahil sa mga nagbabadyang luha. Ano ba naman kasi itong batang ito! Kung saan saan namumulot.
Tinignan ko si Jezza may itinuturo sya sa likuran ko. Lumingon ako at tumulo na yung luha ko.
Ibinaba ko si Jezza at lumapit agad sa kanya at ipinaghahampas sya.
Pinalo palo ko sya sa braso habang umiiyak, pinag ekis nya yung braso nya bilang shield.
"Walanghiya ka!! Antagal mo bumalik! Hinintay kita ng napakatagal ha!! Alam mo ba yun?? Nakakainis ka! Nakakainis ka. Nitong mga nakaraang taon di ka na nagpaparamdam. Anong klaseng lalake ka ha!! Aanak-anakan mo ako pero iiwan mo kami huhuhu bakit bumalik ka pa ha!! Walang hiya ka!! MAHAL KITA!!!" Tinigil ko na ang paghampas sa kanya at tumingin sa kanya. Nakangiti lang sya.
"Ano bang ikinasasaya mo ha??! At ngumimingiti ka jan!!"
"Mahal din kita... Mahal na mahal, dati pa" sabi niya.
"Walanghiya ka" niyakap ko sya "Miss na miss na kita!"
"Ano nakailang girlfriend ka doon?" Tanong ko.
"Haay faithful ako sa future wife ko kaya hinding hindi ako nag-girlfriend tsaka isa pa may anak na ko ehh"
"Alam mo, meron pa akong isang ikinaiinis sayo!" Sabi ko.
Tumaas ang kilay nya "Ano?"
"Ang baduy nung ipinangalan mo dun sa anak natin!"
"Blaple!! Ayos lang yun!! Unique"
"Haay nako uuwi na kami. Bye" sabi ko. "Tara na Jezza! Uwi na tayo!"
"Okay po"
"Uy wait sama ako! Miss na miss ko na yung anak natin" sabi nya.
Hinawakan nya yung kamay ko habang sumasabay sa paglalakad namin.
Natatawa nalang ako!! Kasi kahit na sobrang tagal ng panahon hindi nya ako binigo. Bumalik talaga sya. At nakatulong din ang faith ko. My faith that is always saying that he'll come back.
"Tita sino po ang pinsan ko?" Tanong ni Jezza.
Natawa nalang kami ni Sean.
♥♥The End♥♥
lesson learned: Tiwala lang, kung may faith ka sa ibang tao at sa sarili mo, alam mo na kahit anong mangyari walang makakasira sa inyo.