Martes, Mayo 9, 2017

The Story of Us

Nakaupo ako sa bench na ito kung saan natatanaw ko kayo ng bago mo. Nakaupo kayo sa bench kung saan dating tayo lang ang nakaupo... Nung tayo pa.

I strum my guitar.

♪♪I used to think one day, We'd tell the story of us

How we met, and the sparks flew instantly

And people would say "they're the lucky ones♪♪

Dati tayo lang ang nagkukulitan... Iniisip ko nun sobrang tatag ng relationship natin kaya pano nangyaring naging ganito?

Ako yung laging inaapi sa school at lagi kang nanjan para protektahan ako mula sa ano pa mang kapahamakan.

Swerte ko kasi naging kaibigan kita. Pero na fall ako.

Pero di ko alam na ikaw rin pala mahal ako..

Pero dati statement yun ngayon tanong na.

Minahal mo ba talaga ako? Mahal mo ba ako? Mahal mo pa ba ako?

♪♪ I used to know my place was the spot next to you

Now I'm searching the room for an empty seat

Cause lately, I don't even know what page you're on♪♪

Dati tuwing kailangan kita ilang minuto lang nasa tabi na agad kita... Lagi mo akong tinutulungan, sa kahit anong bagay. Kahit saan kita kailangan wala kang problema dun.

Pero isang araw sinabi mo na hindi mo naman talaga ako mahal... At sinabi mo pa na naawa ka lang sakin nun kaya mo sinabi na mahal mo ako. At natawa ka pa dahil sabi mo mahina na nga ako uto uto pa!!.

Hahahaha akala ko hero kita!!! Ikaw kasi nagpapagaan ng loob ko tuwing down na down ako akala ko nasa langit ako tuwing nanjan ka sa tabi ko.

Pero sa sobrang taas ng langit, nung binitawan mo ako sobrang sakit ng pagbagsak ko.

Hahaha bakit ba ako tumatawa? Nababaliw na ba ako? Lupet ng epekto mo sa kin...

Tagos hangang pinakadulo ng mga ugat ko, sobrang sakit na nakakatawa na nakakabaliw!!

♪♪Oh a simple complication

Miscommunications

Lead to fall-out

So many things that I wish you knew

So many walls up I can't break through♪♪

At least diba. Kahit kunyari lang yun sumaya parin ako kahit sandali lang...

Pero yung sakit mas matagal maramdaman... Pang habang buhay na ata tong sakit na toh...

♪♪Now I'm standing alone in a crowded room and we're not speaking

And I'm dying to know, Is it killing you? Like it's killing me yeah

I don't know what to say since the twist of fate

When it all broke down

And the story of us looks a lot like a tragedy now ♪♪

Ang sweet sweet nyo tignan, nakakainis!!!

Tuwing nakikita ko kayong magkasama nagt-twinkle yang mga mata mo.

Iniisip ko na nung dati ba ganyan ka rin kasaya tuwing magkasama tayo??

Kung awa lang pala ang ang nararamdaman mo dapat di ka nalang lumapit sakin...

Paasa ka PAASA!!!

WALA NA TAYO kahit anong absorb nito sa utak ko, di ko parin matanggap eh...

I still love you.

I loved you, I'm loving you, I won't stop loving you and it will be forever you.

Oo tanga na kung tanga!! Pero anong magagawa ako tanga talaga ako ehh..

Move on?? Sa ngayon di pa uso sa pananaw ko yun, pero darating din tayo jan pag dumating na yung taong para talaga sa akin.

Yung papantay... Ay mali!! Hihigit sa pagmamahal mo.


Pero sa ngayon hayaan nyo muna akong umasa kahit saglit lang, na babalikan mo rin ako kahit isang segundo lang.

♪♪ Oh I'm scared to see the ending

Why are we pretending? This is nothing

I'd tell you I miss you but I don't know how

I never heard silence quite this loud♪♪

Nagulat ako nang tumingin ka sa akin at ngumisi ka pa!! Edi kayo na kayong kayo na!! Hindi nyo kailangang ingudngod sa pagmumukha ko!!

Umiwas nalang ako ng tingin!! Bwisit na puso taksil ehh

Tumayo na sila at naglakad palayo habang nakaakbay sa bago nya at hawak nito ang kamay na pinang akbay sa kanya..

Tumulo na yung luha ko... Alam ko namang wala nang pag-asa ehh!!

Pero pangangarap nalang ang libre ngayon.

♪♪ This is looking like a contest

Of who can act like they're careless

But I like it better when you we're on my side

The battle's in your hands now

And I would lay my armor down

If you'd say you'd rather love than fight

So many things that you wish I knew

But the story of us, might be ending soon ♪♪

Pero ang mas nakakagulat na bumalik kayo!!

At palapit KAYO sa akin...

Narealize mo na ba?? Na ako ang mahal mo.

Alam kong hindi ako namamalikmata. Alam kong papalapit ka sa kin... Pero kasama mo sya...

"Hi" bati mo sakin

Ngumiti lang ako dahil di ako makapaniwala na sa tagal ng panahon nasa harap ulit kita.

"Babe friend ko nga pala" pagpapakilala mo sa akin..

Friend.... Yun naman talaga ehh. Buwisit kang babae ka ano bang iniisip mo na pagpapakilala nya  sayo ha?!

Inilahad ng bagong babae sa buhay nya ang kamay nya pero tinignan ko lang yun. Kaya binawi nya agad ang kamay nya.









"Lumapit kami sayo kasi... Gusto naming tumugtog ka sa kasal namin" sabi mo

Ano? Nabibingi na ba ako?


Gusto kong umiyak. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Diba kaibigan naman kita kaya payag ka na ha?! Please" pinagdikit mo pa ang mga palad mo.

Akala ko babalik ka, pero nagkamali ako. Mas lalo mo pang pinamukha sakin na wala na talaga tayong pag-asa.

Tumango nalang ako sa gusto mong mangyare!! Tanga kasi ako ehh..

At least masaya ka na diba?? Nahanap mo na ang happily ever after mo!!

At ako ang kawawa sa storyang ito.

♥♥♥The End♥♥♥

----------------------------------------------

Lesson learned: May mga bagay or rather 'tao' talaga na akala mo sa simula permanent na talaga ito sa buhay mo or akala mo forever na kayo, pero it turns out na hindi pala. Alam ko nasaktan ka, pero hindi yun sapat na dahilan para ikulong mo yung sarili mo sa sakit na nararamdaman mo. Kailangan nating buong pusong tanggapin ang mga bagay bagay. Dahil permanente na talaga ang pagbabago sa mundo. Habang wala pa yung hinihintay mo magpakasaya ka muna, dahil kahit anong mangyari God will provide. Wag ka lang kasi masyadong atat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento