"Opo" sabay sabay nilang sabi at pumalakpak.
Nagsimula na ako sa pag-mamagic upang mag-bigay ng saya sa kanila.
Lagi namang ganito.
Ako lagi yung nagpapasaya sa iba.
Ako ang gumagawa ng paraan para ngiti lumabas sa mga labi nila.
Pero ako??...
Kailan ba ako naging masaya?
Isa akong clown na may napaka-kapal na make-up, para matakpan ang lungkot na matagal nang nananahan sa aking puso. Hanggang ngayon wala paring nakakatanggal nito.
Ito ang aking masskara kumbaga, kung ano ang ipinapakita ko sa ibang tao ay ibang iba pag sarili ko lang ang kasama ko.
Ito ang napili kong trabaho, para kahit di ako masaya, atleast ako ang dahilan ng pagiging masaya ng ibang tao.
Minahal ko sya ng wagas... Pero di nya ko ipinaglaban sa mga magulang nya...
Dahil sabi ng magulang nya, ano daw ang maipapakain ko kung pagka-clown lang ang trabaho ko.
Hinihintay ko sya na sumagot na akala ko ipaglalaban nya ako... Dahil sya yung babaeng alam kong di sumusuko.
Pero nagkamali pala ako...
Sabagay isa lang akong hamak na clown.
Wala namang pagkapropesyunal dun..
Pero ang sakit ng katotohanan na may iba pang mas mahalaga kaysa sa pagmamahal.
O baka talagang hindi talaga siya ang para sa akin.
"Simon punta ka sa birthday ng anak ko pre ahh, tsaka pwede may discount?? Kaibigan naman kita ehh" sabi ng kaibigan kong si Charlie sa telepono.
"Haay naku oh sige na nga. Mabuti ka namang kaibigan ehh" sagot ko sa kabilang linya.
"Nakuu salamat talaga pre!! Matutuwa si Chandria pati mga kaibigan nun! Salamat talaga pre ahh" sabi nya
"Oo sige, walang anuman" sagot ko at ibinaba nya na ang telepono.
***
Nandito na ako ngayon sa 4th birthday ng anak ng kaibigan ko.
Papunta na ako sa room ni Charlie dahil dun ako magme-make up at magsusuot ng costume.
May dala dala akong bag kung saan nakalagay ang mga kailangan ko.
Habang naglalakad ako chinecheck ko ang bag ko. Baka kasi may kulang. Chineck ko na toh kanina, pero mabuti na ang sigurado.
"Aray" boses ng isang babae.
Napasapo ako sa noo ko dahil may tumama dito at napapikit din ako sa sakit.
Dumilat na ako nung medyo di na masakit, at nakita ko yung babae sa harap ko hinihimas himas nya rin ang noo nya pero abot tenga ang ngiti nya.
Ang weird???...
May dala syang camera. At sa tingin ko photographer sya ngayon sa party.
Ang nakakapagtaka ang lawak lawak ng ng daanan eh nagkabanggaan pa kami!!
"Sorry nagb-browse kasi ako ng mga pictures kaya siguro di kita nakita" at ngumiti sya sakin.
So that explains it.
Tumango ako" Okay lang, sorry din"
Tumango sya at inilahad ang kamay " Maxie nga pala and you are?"
"I' m Simon" at tinanggap ko ang kamay nya.
(Sai-mon po ang pronunciation)
"So, ikaw ang clown?"
"Yep" at tumango pa ako.
"Ahhh pwede pahingi ng number mo? Number mo talaga ha!! K-ka-Kasi para pag may birthday sa isa sa mga pamangkin ko, para may clown d-diba??" Sabi nya
"Ahh oh sige mamaya, kailangan ko na kasi talagang mag- asikaso, pasensya na ha?"
"Ahhh oh sige naiintindihan ko naman" sagot nya.
At naglakad na ako palayo sa
kanya.
***
Nang magsimula na ang birthday celebration ni chandria... Syempre ako yung nagpapatawa sa kanila madalas ako may hawak ng mic.
"Si mommy ano naman ang message mo para kay chandria?" Habang sinasabi ko yun nakikita ko na picture ng picture yung babae na nakalimutan ko na ang pangalan. At ako ang pinipicturan... Eh ako nga ba? Haay nakoo baka naman hindi ako! baka nagiging paranoid lang ako.
"Syempre first of all gusto ko na malaman mo na andito lang kami......" Sabi ni Venice, mommy ni chandria at asawa ni charlie.
Blah blah blah blah.
Di ko na masyadong maintindihan yung sinabi ni Venice dahil nakita ko si Ms. Photographer na nabunggo ang waiter na may dalang mga inumin, dahil hindi nakatingin si Ms. Photographer sa dinadaanan nya pero nakatingin lang sya sa camera... Na nakakatutok sakin??. Eh? Erase!!!
Nakita ko na nagulat si Ms. Photographer pati yung waiter. At kumuha agad ng towel yung waiter at alam ko na ang susunod....
Kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila at inagaw sa waiter ang towel na ipa-pangpunas sana sa damit ni Ms. Photographer.
Nagulat silang dalawa sa ginawa ko. Namula naman si Ms. Photographer at ngumiti. May binulong pa si Ms. Photographer sa sarili nya pero may narinig akong onti... "Sus di ko na pala kailangang magpapansin.... " yun lang ang narinig ko.
Pero nagtataka kayo kung bakit ako lumapit sa kanya?? Simple lang, kasi sa may dibdib kasi natapon yung mga inumin. Eh ayoko namang hawakan nung clumsy na waiter na yun yung dibdib neto.
Concerned citizen slash clown lang ako dito!!! Nagmamagandang loob lang... Wag kayo mag-isip ng kung ano-ano.
"Sorry po ma'am" sabi nung waiter.
"Ah okay lang!! Super duper okay lang talaga, salamat ha!!" Sabi naman ni Ms. Photographer.
Nakita ko ang pag-kunot ng noo ng waiter siguro di nya maintindihan yung sinabi ni Ms. Photographer. Miski ako di ko rin naintindihan. Natapunan na nga, nagpasalamat pa??!! Eh? Lupet nya naman!!
" Ahh o-okay po balik na po ako sa trabaho ko" sabi ng waiter.
Ngumiti nalang sa kanya si Ms. P at umalis na yung waiter.
Inabot ko na kay Ms. P yung towel "Punasan mo na yang damit mo" sabi ko.
At ang daming nagsitilian....
Sh!t na malagkit.
We're on a middle of a childrens party and I interrupted the message of Venice to her daughter. Sh!t talaga!!
Inagaw ni Charlie yung mic kay Venice at sinabing "Wag ka mag-alala pare suportado kita jan!! Di ka susukuan nyan ni Maxie pare! Kaya Go ako sa kanya pare.. Para sayo para maging masaya ka na!"
Pumalakpak yung iba pero walang nagsasalita and then...
Complete silence. At lahat sila nakatingin sakin.
Napalunok ako. Ano bang pinagsasasabi neto??.
Ehh concerned citizen nga lang ako!! Yun lang yun!
And then he break the silence.
"Okay let the party continues... Games naman" sabi ni Charlie.
At pumalakpak ang mga bata.
At eto ako naguguluhan... Dahil... Ewan ko.... Ang bilis ng pintig ng puso ko. Bumaling ako kay Ms. P este kay Maxie na paalis, mas lalo pa bumilis pagtalon ng puso ko ng lumingon sya sakin at ngumiti at umalis na.
Babalik pa kaya siya? Siguro magpapalit lang yun ng damit.
Kailangan pa ng photographer... Di pa kasi tapos yung party.
***
Tapos na ang party. Nakapagpaalam na ako kay Charlie at Venice na uuwi na ako.
Naglalakad na ako palabas ng gate nila ng may kumalabit sa kin.
Si Maxie...
"Uhhh.. Diba hinihingi ko number mo?" Sabi niya.
Nakakainis yung pakiramdam nung marinig ko yung boses nya.
"Ahh oo eto nga pala" binigay ko ang calling card ko.
"Thank you nga pala kanina"
" sus wala yun" sabi ko.
"Uuwi ka na ba sa bahay nyo?" Tanong nya.
"Hindi pa, dadaan muna ako sa mall magpapalamig lang saglit" sabi ko.
Di ko namamalayan na naglalakad na ako at sunod lang sya ng sunod sakin.
"Ahh okay, pwede sumama?....Or okay lang kung hindi pwede kasi b-baka may ka-d-date ka ehh" sabi nya at kinagat ang pang ibabang labi.
"Wala noh! Okay lang para naman di na ko mag-isa" at hinatak ko sya sa sakayan ng jeep.
Maxie's POV
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nang hawakn nya ang kamay ko papaunta sa sakayan ng jeep. Para akong natatae na ewan...
***
Naglalakad lakad kami dito sa mall at pagabi na.
At may naisip ako...
"Malapit na maggabi dun tayo sa fountain tumambay " sabi ko.
Kasi may fountain dito sa mall na umiilaw pag gabi.
"Okay" sabi nya at ngumiti.
Humanap na ako ng bench na pwede naming upuan. At umupo na kami.
"May gusto ka bang kainin?" Tanong nya.
"Hwag na! Naku kakagaling lang natin sa isang handaan kaya busog pa ako" ngumiti ako at nag-thumbs up "okay lang talaga"
Lalo na dahil kasama kita busog na puso ko. Charr lang.
"Saan ka nakatira Simon?"
"Ahh sa Caloocan " sabi nya
"Parehas pala tayo. Eh sino kasama mo sa bahay?"
"Ako lang mag-isa Maxie mga magulang ko nasa probinsiya"
May gustong gusto ko na talaga itanong tong bagay na to. Kaso, baka sabihin nya masyado akong curious. Pero... Pero di ako matatahimik kung di ko to matanong. Okay wala namang mawawala.
Pero gwapo sya... Impossible namang 'hindi' ang isagot nya sa tanong ko.
Ehhh bahala na nga.
Lunok "M- May g-gi-girlfriend ka na?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.
Tumingon lang sya sa fountain at bumuga ng hininga pagkatapos ay umiling sya.Malungkot ang mga mata nya.
So?? Wala syang gf?? ASDFGHJKL.
"May sasabihin ako" panimula ko "unang pagkakita ko palang sayo sa party kanina na-attract na talaga ako. Ang alam ko infatuation lang yon kasi unang beses pa lang naman kita nakita diba? Pero sinadya ko talaga ang pagkaka bunggo sayo." Huminga ako ng malalim "Kaya di nalang kita inisip kasi unang pagkausap ko sayo halos hindi mo naman ako kausapin eh, pero nung lumapit ka nung natapunan ako ng mga inumin kinikilig ako nun... Kung alam mo lang. Syempre yung crush ko concerned sa kin, sino ba namang di matutuwa dun diba??" At tumawa ako ng pabiro. Habang sya seryoso lang na nakatingin sa kin. "At nung nagpalit ako ng damit, di mo lang alam halos magconcert na ako sa banyo kahit na sintunado pa pagkanta ko. Kasi nga yung crush ko napansin ako sa gitna ng napakaraming tao.. At dahil dun na fall ako. Sumama ako sayo hiningi ko number mo at ngayon nasa tabi na kita." Kinuha ko ang camera ko "alam mo bagay tayo.. Kasi ikaw lagi ang ngingiti at ako ang kukuha ng memories ng magagandang ngiti mo na yan. Handa akong pawiin ang lungkot mo. Handa akong kumuha ng mga bagong good memories para matakpan ang mga memoryang bumabagabag sayo ngayon, tandaan mo nahulog na ako sayo hinihintay ko nalang ang pagsalo mo." Hinawakan ko ang balikat nya.
"Lagi lang akong nandito laging masasandalan mo, at hinding hindi ka susukuan" sabi ko.
"Tandaan mo andito lang ako para magpasaya sayo" sabi ko at niyakap sya.
Yumakap din sya pabalik.
"Aasahan ko yan Ms. Photographer"
Hinding hindi ka mabibigo NEVER.
♥♥♥The End♥♥♥
------------------------------------------
Lesson learned: Kahit gaano ka pa kalungkot at sa tingin mo pasan mo na ang buong mundo, huwag mong problemahin yun. Dahil masuwerte ka pa nga, kasi may cellphone o computer ka para makapagbasa ng wattpad, makapag-log in sa mga social networking sites, nakakapag-aral, kumakain more than 3 times a day. Imagine! There are a lot of people out there na wala pa sa kalahati ng kinakain mo ang pang isang araw na pagkain nila. Kaya let's just be thankful. And hindi naman tayo binibigyan ng dios ng problemang hindi natin kayang lampasan, lalo na kung may sasama sayo para lampasan ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento