Martes, Mayo 9, 2017

Unknown Angel

Naglalakad lang ako sa corridor ng building sa school namin. As usual maraming lalaking tumitingin sa akin, head turner ang peg ko ahihihi.

Maraming nagkaka-crush sa akin dito syempre maganda, sexy, matalino, may boses or should I say magaling kumanta, Can play 3 instruments (name it: guitar, keyboards and flute) and leader ng PEP squad.

Ms. Perfect na nga tawag nila sa akin ehh.

Pero for me it's not. I am almost perfect kung nandito lang ang kuya ko. Mag-iisang taon na rin nung mawala si kuya, pero di ko pa rin matanggap. Malapit ako sa kuya ko ehh. Hindi ko nga alam kung sinong pwedeng gumawa nun ehh, ang bait bait kaya ng kuya ko! Wala syang ibang ginawa kundi protektahan ako!. Aish di ko na talaga alam. Mababaliw na ako. Makakalimutan  rin toh.

"Hey Rhianne!"

"Good morning love"

"Sup? Rhianne"

"Hi baby Rhianne"

"Rhianne penge na ako number mo"

"Pa FS ako hihi"

"Out for a date?"

"Wanna hang-out?"

"Follow me beautiful on IG and twitter"

"Pa-selfie hihi"

"Ang ganda mo Rhianne!!"

Psh!! Araw araw nalang ba ganto lagi? Haayy nakakapagod na talaga maging maganda, alam nyo yun?

Hi dito, hello doon, ngiti dito, ngiti doon, pirma dito, papicture doon. Haaayy daig ko pa artista.

Ngiti nalang ang ibinigay ko sa kanila.

Psh! Nandito ako para mag-aral. Hindi ko kailangan ng fame. Oo dati yun ang gusto ko,pero dati yun. Iba na ang pananaw ko simula nung... Arrghh simula nung namatay si kuya.

Pumasok na ako sa loob ng classroom para mag-aral.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

~dismissal~

Naglalakad na ako palabas ng campus. As usual madaming nag-greet sa akin at nag-aayang mag hang-out pero ayoko. Ayoko na.

Nilalakad ko lang pauwi dahil sobrang lapit lang ng village namin sa university.

Dati lagi kong kasabay si kuya umuwi kaya wala akong takot. Pero ngayon gustong gusto ko nang mag-tricycle para lang maka-uwi kaso nga lang para akong tanga nun kasi ang lapit lang naman tapos mamamasahe pa, sayang pera.

Yun nga natatakot na ako umuwi mag-isa dahil alam ko na laging may sumusunod sa akin.

Matagal ko na ring napapansin. Miski nung buhay pa si kuya alam ko may sumusunod na talaga sa amin.

Minsan iniisip ko na baka yun yung pumatay sa kuya ko ehh. At kung sya nga, hindi na ako magdadalawang isip pa na paslangin kung sino man sya. The problem is I don't have the courage to face this situation. Nabawasan na ang tapang ko.

Binilisan ko nalang ang paglalakad para makauwi na agad sa bahay.

Pagkatapat ko sa gate namin binuksan ko ito agad at aambang papasok pero bago pa ako pumasok sumilip muna ako sa bandang kanan at nakita ko sa malapitan ang mukhan nya pero kalahati lang dahil nagtatago sya sa likod ng isang poste at medyo madilim na rin nakahood pa sya na black. Pagkakitang pagkakita ko sa kanya pumasok agad ako sa bahay.

Sumandal ako sa pinto at humawak sa dibdib. What the hell! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro dahil sa kaba?

Huhuhu ayoko pa mamatay!!

"Oh anak nakauwi ka na pala." Nag mano ako kay mommy at ngumiti ng pilit. "Diba may gig ka ngayon? umakyat ka muna sa taas at magpahinga"

"Sige po my thank you" at umakyat na ako papuntang kwarto.

...

Nakabihis na ako ngayon para sa gig. Humiga muna ako sa kama. Hanggang ngayon yung lalaking yun pa rin ang iniisip ko. Paano kung stalker ko yun tapos kailangan nya ng pera kaya yung mga nalalaman nya tungkol sa akin yung gamitin nyang pang-blackmail huhuhu.

Aish!! Masyado naman akong nag-ooverthink! Kalma lang Rhianne. Pero... Err.. Eh kasi naman kasi ehh. Di ako mapakali.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Humarap ako sa salamin at inayos ang konting pagkakagusot sa damit ko.

Kalimutan mo muna yun. Focus ka muna sa gig. Focus, focus foc-

Buzz...Buzz...

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tnignan kung sino yung nag-text.

Eh?

Number lang? Baka wrong message? Pero kahit na!! Bubuksan ko pa rin. Haayy baka bagong recruit na naman toh sa fansclub ko. Pero... Wala naman akong pinagbibigyan ng number ko simula nung magpalit ako ng sim nung nakaraang buwan ah. Aish bahala na nga.

----------------------------------------

From: Unknown

Tonight, I will make everything right. Rhianne I'm ready to step out of the curtain. Goodluck sa gig :)

-----------------------------------------

For a sudden moment, my heart skipped a beat. Makata ba ito at parang tumutula? Pero anong ibig nyang sabihin? Di ko maintindihan.

Paano ako makakapag-focus nito?

Binuksan ko na ang pinto at lumakad paalis.

...

Ilang minutes nalang ang natitira at sasabak na ako sa stage.

Buzz...Buzz

Tinignan ko kung sino ang nagtext. What the? Sya na naman?

Nanginginig kong binuksan ang message nya.

---------------------------------------

From: Unknown

Goodluck ulit. Manunuod ako:)

----------------------------------------

Ngayon pa lang ako nakaramdam ng kaba. Bwisit!!

Nung ako na ang dapat sa stage ay umakyat na ako. Hinga malalim. Takte di naman ako kinaabahan dati eh. Bwiset na stalker yan ehh.

Nagpalakpakan ang mga tao sa pag-akyat ko. Kumaway ako sa mga audiences pati na rin sa banda na tutugtog. Ako yung guest vocalist nila ngayon.

Nag-thumbs up sila sa akin at nagsimula nang tumugtog.

♪♪ Bend your chest open so I can read your heart

I need to get inside, Or I'll start a war ♪♪

Lumilinga linga ako para malaman kung sino ang mistery texter. Pero ang hirap hanapin dahil wala akong idea kung anong itsura nya.

♪♪ Wanna look at the pieces that make you who you are

I wanna build you up and pick you apart♪♪

But then a nobody caught my eye. A guy wearing a hood jacket. Parehas na parehas ng figure nung nakita ko kanina na nakatago sa likod ng poste. Pero bakit nakatago pa rin sya sa dilim. Nandun sya sa may dulong part nakasandal sa pader at nakahawak sa bulsa pero nakatingin sa stage. Nakatingin sa akin.

Hindi ko parin maaninag yung itsura nya. Parang may magnet sa dugo ko na gusto kong lumapit sa kanya para makita ko kung sino sya.

♪♪ Let me see the dark sides, as well as the bright

I'm gonna love you inside out

I'm gonna love you inside out ♪♪

Pinikit ko ang aking mga mata. Sinusubukang kalimutan muna ang problema. Dadamhin ko muna itong awitin. Gusto kong makapunta sa isang paraiso. Isang panaginip na ayoko munang gumising.

...

Nagliligpit na ako ng gamit.

Tapos na ang performance ko at wala na ring dahilan para magtagal pa ako dito.

"Rhianne thanks for tonight" lumingon ako dun sa nagsalita. Ahh yung drummer pala.

Ngumiti ako "Naku you are all always welcome"

"Everytime you perform you always amaze us. We can see the emotions in your face. "

Ngumiti ako sa sinabi nya.

"So bale, next gig nalang ulit?" Ngumisi pa sya.

"Yeah, see you sa next gig. Geh uwi na ako paalam mo na rin ako sa iba" sabi ko

"Yeah ingat"

Kinawayan ko nalang sya at dire-diretso na palabas.

Buzz...Buzz...

----------------------------------------

From: Unknown

Ang ganda talaga ng boses mo. I am here sa likod ng bar kung gusto mo akong makita. Maghihintay lang ako.

---------------------------------------

Tumigil ako sa paglalakad. This is my chance to meet him.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko sya makita pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hold-upper yun o di kaya kidnapper. Pero yun nga ba ang ikinatatakot ko?

Better try than never.

Naglakad na ako papuntang likod ng bar.

Habang papalapit ako ng papalapit lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Malapit na... Konting hakbang nalang.

Andito na ako ngayon. Pero madilim kaya wala ako masyadong nakikita.

Nasaan na kaya yun?



"Salamat at nakapunta ka"

Lalong dumami ang kaba ko sa narinig ko,boses ng lalaki. Unti-unti akong lumingon sa likuran para makita ang nagsalita.

Napatakip ako sa bibig ko. Sya yung nakahood.

Pero ngayon clear ko nang nakikita ang mukha nya. Kumikinang ang mga mata nya dahil sa ganda ng ngiti nya. Parang nalulusaw ang puso ko sa di malamang kadahilanan.

Lumapit sya sa akin ng dalawang hakbang. "Hindi na ako magpapa-ligoy ligoy pa" huminga sya ng malalim "Ako ang pumatay sa kuya mo"

Tumulo ang luha ko. Takte ang pumatay sa pinakamamahal kong kuya ay nasa harapan ko lang ngayon?! Pero bwisit di ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Humikbi nalang ako ng humikbi sa harapan nya. Kung gusto nya din akong patayin, edi go! Para may kasama na rin si kuya.

"Dahil yun lahat sa lintek na pag-ibig"

Napahinto ako at unti unting itinaas ang paningin sa kanya. Hindi ko sya maintindihan. Bakit may luha rin sya?

"Makinig ka muna, ayokong nakikita kang umiiyak dahil para akong sinasaksak tuwing nakikita kong malungkot ka" sabi nya at ibinaba ang hood nya.

Lumapit pa sya ng isang hakbang at hinawakan ang kamay ko. Para akong nanghihina kaya di ko na nabawi ang kamay ko.

"Inihabilin sa akin ng kuya mo na lagi daw kitang protektahan."

Nagpatuloy lang ako sa pakikinig.

"Dati pa man sumusunod na ako sa iyo pero hanggang sunod lang dahil Ms. Perfect ka na ehh hinding hindi kitang kayang abutin. Lagi akong nasa gig mo. Inaalam ang bawat gagawin mo sa buong araw. Kahit panoorin ka lang masaya na ako. Mahal kita ehh" tumawa sya ng onti. Hindi ko maintindihan pero napangiti ako sa tawa nya, ang sarap sa tenga ng tawa nya.

"Pero nung napansin na ng kuya mo ako. Dun nya ako sinimulang imbestigahan. At nung nahanap nya kung sino ako, kinompronta nya ako. Syempre sinabi ko lang ang totoo. Ang katotohanan na mahal kita"

"Sinabi ko sa kuya mo na gagawin ko ang lahat para lang mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo" tumulo na naman ang luha nya "Pero bullsh!t, hiniling nya na patayin ko sya. Testing daw kung kaya ko nga bang gawin ang lahat. Ayoko talagang gawin yun. Pero inisip ko na ayos lang kahit maging kriminal ako, ayos lang kahit mapunta ako sa impyerno, at least napatunayan ko na ang matagal na isinisigaw ng puso ko" lalo pang humigpit ang hawak nya sa kamay ko.

"Binigyan nya ako ng baril. At ginawa ko ang gusto nyang mangyari. Nasisisi ako dahil pinatay ko ang kuya mo. Pero lalong lumakas ang loob ko sa mga huling salita nya 'You already gain my trust. Always protect her, no matter happens' paulit ulit ko yung naririnig sa utak ko. Kaya ngayon sorry sa nagawa ko"

Binitawan nya na ang kamay ko at maglalakad na sana palayo pero hinigit ko ang braso nya at tsaka yumakap.

Nakatayo lang sya ng diretso habang yakap yakap ko sya. Rinig na rinig ko rin ang lakas at bilis ng tibok ng puso nya na kasabay ng akin.

" H-hindi ka ba G-galit s-sa a-a-akin?" Nanginginig na sabi nya.

Kumalas ako sa pagkakayap at umiling.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Galit ako sayo." Nakita ko ang gulat sa mata nya. "Pero nagmahal ka lang naman, walang mali dun. Wala akong sinisisi sa pagkamatay ni kuya. Parehas nyo lang ako mahal kaya ito nangyari. Thank you sa pagpapaliwanag sa akin." Ngumiti ako at nakita ko ang kasiyahan sa mata nya.

Niyakap nya ako"pwede bang kantahan mo ako?"

"Oh sige ito ang kakantahin ko dahil gusto ko pang malaman ang tungkol sa iyo, sana papasukin mo ako sa puso mo para lalo pa kitang makilala" ngumiti ako at nagsimula na sa pagkanta.

♪♪ I'm gonna pick your brain and get to know your thoughts

So I can read your mind when you don't wanna talk

And can I touch your face before you go

I collect your scales but you don't have to know

Let me see the dark sides, as well as the bright

I'm gonna love you inside out

I'm gonna love you inside out♪♪

Kumalas na sya sa pagkakayakap and intertwined our fingers. It fits perfectly.

Nagsimula na kami maglakad "humanap muna tayo ng magandang pwesto, para masimulan ko na ang aking kwento" ngumiti sya

Ngumiti rin ako. Thank you kuya, akala ko iniwan mo na ako eh yun pala nag iwan ka ng anghel para sa akin.

"Ikuwento mo lahat ahh, makikinig akong mabuti" sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad kung saan man ito papunta.

♥♥The End♥♥

----------------------------
Haha ang corny neto pero salamuch sa pagbabasa XD
----------------------------


Lesson learned: Hindi porket may nawalang mahalagang tao sa buhay mo, mawawalan ka na ng pag-asa. Dapat kung may mawala man lalo ka pang magpakatatag dahil kailangan mo maging handa. Dahil panigurado kung may aalis may darating.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento