Martes, Mayo 9, 2017

Fullmoon Love

"And so the lion fell inlove with the lamb" Huminga ako ng malalaim. At isinara ang libro ko kahit di ko pa tapos. Actually tapos ko na... Pero hindi pa rin ako nagsasawa kakabasa neto. Siguro pang limang beses na to...

Kinikilig talaga ako sa mga fictional characters...

I am reading twilight pero hanggang ngayon book 1 lang ang binabasa ko, hindi ko kasi afford yung tatlo pang libro.

Buti pa si Bella may lovelife at kahit na Immortal si Edward hinding hindi yun magiging hadlang sa pag-iibigan nila dahil sabi nga ni Bella"I was unconditionally and irrevocably inlove with him"

IRREVOCABLY

Does that word even exist in this world?

I don't know

Nandito ako ngayon sa coffee shop. Nasa malapit ako sa bintana.

I looked up the sky.

Walang stars... Siguro natatakpan ng mga ulap. Pero may isang ilaw na nagbibigay ng konting liwanag sa kalangitan, ang buwan, sa kaniyang perpektong bilog na hugis at maliwanag na ilaw.

Napangiti ako... Dahil kahit walang stars. Nagsisikap ang buwan na maging ilaw sa ating dinaraanan.

At ewan ko biglang nagkaron ng sariling buhay ang paa ko at lumabas ng coffee shop at dire diretso ako pauwi sa bahay habang nakatingin ako sa buwan. Napapangiti ako dahil sinusundan ako ng buwan.

At nung hinawakan ko na ang door knob ng pintuan namin  parang feeling ko may kulang....

...

"OMG!!! Edward!!" My gasshh naiwan ko sa coffee shop yung libro ko.

Kainis ka kasi Fullmoon eh nadadala ako sayo ehh

Tumalikod ulit ako at naglakad pabalik sa coffee shop....

Kaso nagalit ata saakin yung buwan, dahil nagpaulan huhuhu sorry na di na kita sisisihin huhu..

Ngayon basa na ako...

Pumasok ako sa loob ng coffee shop, may mga tumitingin sa akin dahil siguro mukha akong basang sisiw...

Wala kasing makakapigil sa akin, mahal ko si Edward eh...

Pumunta ako sa table ko kanina, pero wala na yung book ko doon...

Nalungkot ako...

Eh??

Saglit lang ako nawala.

Lumapit ako sa isa sa mga waiter. May nakalagay na name sa left chest nya at ang nakalagay ay 'Braeden'

Oh!! unique name

I like it!!!

"Uhh.. Mr. Have you seen my book?? Uhh twilight yun. Dun sa table na yun"  sabi ko habang tinuturo- turo yung table ko kanina.

At tumingin ako sa kanya. Nakangisi sya.

Err? Anong problema nito at bakit pulang pula yung mukha nya?

" uhh... Sorry ma'am pero wala kaming napansin eh" at nagkibit balikat sya.

"Sure ka?? Wala talaga?" Tanong ko

"Yes ma'am, pahingi nalang po ng number nyo para pag may nakita po kami na libro or may nakakita masasabi ko po sa inyo" ngumiti sya sakin

Ewan ko kung anong nararamdaman ko nung nakita ko yung ngiti nya. Parang ngiti na matagal ko nang hinanap.

Nagsulat ako sa papel ng number ko at pati na rin ang pangalan ko.

"Here" inabot ko sakanya yung papel, at medyo nahawakan ny yung kamay ko. Ewan ko pero kaninang basang basa pa yung katawan ko hindi naman ako masyadong nilalamig pero nung nahawakan nya yung kamay ko para akong nasa movie na Frozen.

"Uhh alis na ako" aamba na sana akong aalis pero hinawakan nya ang braso ko.

Ewan ko pero para akong kinukuryente.

"Ma'am payong po" sabay abot sakin ng payong "baka po kasi magkasakit kayo, tapos di na kayo makadalaw dito" at namula sya.

"Wag na baka kailangan mo yan ayos lang ako" then I smiled genuinely

"No ma'am I insist" he said looking straight into my eyes.

Nginitian ko sya. Huminga ako ng malalim " If you say so.. Bye and thanks" naglakad na ko palabas ng coffee shop.

Binuksan ko ang kulay dilaw na payong, at may nakasulat sa gilid nito" The light of your sunshine filled my world"

Wow!!!nananadya ba talaga ang lalaking yun!??

My name is Sunshine.... Hmmm baka naman coincidence lang.

Nagkibit nalang ako ng balikat.

Bat ko ba iniisip na pinapatama nya sakin yung nakasulat sa payong na toh? Ganun ba ako ka-assuming?!

...

1 month later

Papunta na ako sa coffee shop.Mas lalo pang napadalas ang pagpunta ko rito simula nung unang nag text si Braeden, nangungumusta lang sya... And mas lalo pa syang dumadaldal, kaya naging textmate ko sya... Medyo pag pasarado na yung coffe shop ako pumupunta para  may oras si Braeden sa pag-entertain sa akin hahaha...

Binuksan ko ang pintuan ng coffee shop... Pero walang tao sa loob. Kumunot ang noo at napahawak sa bibig. Ohmyghad aalis nalang ako kasi baka may mumu dito.

Pero bago pa ako makaalis lumingon lingon muna ako sa paligid. At may nahagip ang mata.

Dun sa table na lagi kong pinagpu-pwestuhan. Nandun yung libro ko.

My twilight book... Hindi naman mukhang nasira. Mukha namang maayos ang pag-aalaga dito.

Kinuha ko ito at niyakap.

"I really really really really miss you. Hinding hindi na talaga kita iiwan" at hinalik halikan ko tong libro. Okay lang wala namang nakakakita sa kin eh...

"Ako di mo manlang namiss"

Napalingon ako dun sa nagsalita.

It's Braeden.

"Sus drama mo eh nung isang araw lang magkasama tayo!!"

"Salamat sa libro ah..  Tapos ko na basahin kaya binabalik ko na sayo" at ngumiti sya sakin

Ano??All this time Na kay Braeden yung libro ko??

"I-Ikaw ang kumuha?"

Tumango lang sya at inilahad sakin yung upuan. Umupo ako at umupo sya sa tapat ko.

"Pero bakit mo pa tinago sakin? Pwede mo namang hiramin ng maayos di naman ako magagalit"

Huminga sya ng malalim at nagsalita"let me tell you a story  about sa lalaki na isang hamak na waiter lang at walang maipagyayabang sa buhay, 10 months ago nakakita sya ng isang babaeng umiiyak sa coffee shop na ito at mismo dito sa table na ito. Nilapitan ko sya at inabutan ng panyo. Habang umiiyak sya marami syang sinasabi tungkol sa mga lalaki na walang hiya at walang alam gawin kundi manakit"

Napangiti ako, dahil naalala ko yun. Nung sinaktan ako ng ex ko pumunta ako rito na ngumangawa, wala akong pake sa sasabihin ng mga tao. May nag abot sa akin ng panyo at kinuha ko agad yun ng hindi tumitingin sa nagbigay. Dahil busy ako nun kakaintindi sa sarili ko.

"Pagkalipas ng mga ilang buwan hindi na siya umiiyak pero lagi syang tulala. Iniisip ko na lapitan sya baka sakaling mapasaya ko sya. Pero natatakot ako, kasi sino ba naman ako para manghimasok. Kaya wala nalang akong nagawa kundi laging titigan ang babaeng yun sa loob ng maraming buwan... Isang araw may dala syang libro at binasa nya yun ngumingiti ngiti sya habang binabasa yun. At tuwing ngumingiti sya napapangiti rin ako dahil minsan lang dumalaw ang ngiti sa labi nya. Maganda sya kahit expressionless sya, pero pag ngumi-ngiti siya nagmumukha na syang dyosa"

Tumawa ako ng mahina. Bolero talaga nito...

Kinuha nya yung libro na nasa kamay ko"kaya nagpapasalamat ako sa libro na ito dahil napapangiti sya nito. Isang araw naisip ko na sana ako nalang yung libro para tignan at ngitian nya rin ako katulad ng ginagawa ko sa kanya, kasi naman kahit anong papansin ang gawin ko wala pa rin syang pake eh, ewan ko nga kung bakit eh, eh ang gwapo gwapo ko naman"

Natawa ako. Confident masyado ehh

"Naalala ko pa isang araw, sinadya ko pang madulas sa harap nya pero busy pa rin sya sa pagbabasa nya..."

"Talaga?? Wala akong naaalala"

"Eh kasi nga nung mga panahon na yun wala kang pake saakin. Kaya isang gabi nagulat ako nang naiwan mo ang libro mo. Kaya kinuha ko yun at hiningi ko ang number mo para maging magkaibihan tayo. At eto tayo ngayon kasama ang fullmoon kung kelan naganap ang unang beses na pagkausap mo sa akin"

Tumingin ako sa labas at meron ngang fullmoon. Pero di na sya nag-iisa dahil ngayon may kasama na syang mga bituin.

"Kaya Sunshine" hinawakan nya ang kamay ko "Payagan mo sana akong papasukin sa puso mo nang buong buo, Ayoko na ng titigan ka lang, Please hayaan mo akong iparamdam ang dinadaing ng puso ko. Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala kahit isang araw lang na hindi ka pumunta dito malungkot ako... Kasi malaking parte ng puso ko nakalaan na pala para sa iyo"

Niyakap nya ako at niyakap ko rin siya pabalik.

"Yun ang pinaka magandang storya narinig ko buong buhay ko, kaya hindi ako makakapayag na wala itong susunod na mga kabanata" humiwalay ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya "At ang susunod na kabanata ng istoryang yun ay sisimulan ko sa pamamagitan ng pagbukas ko ng puso ko para sayo." Niyakap ko ulit siya.

At tumingin sa labas gabi na pero sobrang liwanag ng langit at mukhang nagsasaya ang mga bituin at ang buwan para sa pagtatapos ng isang kabanata para masimulan ang panibago.

At maraming marami pang susunod.

♥♥The End♥♥


Lesson learned: You can't predict fate. May mga pagkakataon na pakiramdam mo  sirang sira ka na, pero may mga taong handang bumuo sayo naghihintay lang sila ng tamang tyempo. Sa isang iglap hindi mo napapansin na ngayon na pala ang right time kasama ang right person na nasa tabi mo lang. Hindi mo lang napapansin dahil tumitingin ka sa malayo. You're expecting more but you don't know if it can fulfill your needs.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento