Martes, Mayo 9, 2017

Hindi Ikaw

"Hahahaha kawawang Kurt, Ano tutulala ka lang jan? Haha wala kang gagawin tapos pag naunahan ka na wala ka pa ring gagawin? Hahaha weak!!" Asar sa kin nitong si Sef.

Kaibigan ko ba talaga toh? Hindi man lang magbigay ng moral support.

Pero kasi naman ehh... Nakakabakla pero torpe talaga ako!!!

Ayan na nasa harapan ko lang yung babaeng mahal ko. Pero di ko talaga masabi.

Bestfriend ko si Jasmine. Nagsimula kaming magbest-friend nung bata pa kami. Dahil bagong lipat kami nun sa village na tinitirhan namin ngayon, syempre bata kaya naghanap ng mapaglilibangan, kaya pumunta ako sa playground. Walang bata dun na naglalaro, siguro dahil tanghaling tapat. Umupo nalang ako sa swing at nagpalipas ng oras. Pero may lumapit sa kin na bata at yun ay ang madungis na si Jasmine.

♦Flashback♦

"Hoy bata, bago ka lang ba dito?" Tanong ng babaeng nasa harapan ko.

Ang dungis dungis nya. Pawis na pawis at nakaponytail pero magulo pa rin ang buhok. Nakajersey sya na maluwag sa kanya at may hawak na bola ng basketball sa isang kamay. Tsaka ang siga naman nito magsalita! Maka 'hoy' kala mo kung sino.

Babae ba talaga toh?

Psh makaalis na nga.

Pero hinigit nya ang braso ko "Aba! Kinakausap pa kita ahh"


Tinitigan ko lamang sya. Psh nakakainis. I have no time for this.


Binitiwan nya na ako "pipe ka ba ha? Marunong ka bang magsalita? O pinutol kasi di mo naman ginagamit dila mo?!" Sarkastiko nyang sabi.

Binato nya sakin yung bola. "Laro tayo! Pero teka marunong ka ba? Kasi kung hindi nakuu umalis ka nalang! Bumalik ka na sa palda ng nanay mo!" Sabi nya.

Ako ba iniinsulto nito?

"Ha! Miss di mo ko kilala" sabi ko at tinignan ko sya ng matalim.

"Ayun!!" Pumalakpak syang dalawang beses. "Nakakapagsalita ka naman pala eh" humalukipkip sya at tinignan yung bola na hawak nya kanina na hawak ko na ngayon. "Sige tignan natin hanggang saan yang yabang mo! Tara sa court!" At tumakbo na sya palayo.

Ako pa mayabang ahh?? Babae ba talaga yung kausap ko?

Tumakbo na ko palapit sa kanya at dumiretso na kami sa court.

***

Syempre sino pa bang nanalo? Edi ako!!

Wahahaha!

"O sige na ikaw na magaling" nilahad nya ang kamay nya. " Jasmine nga pala"

"Kurt" tinanggap ko ang kamay nya.

"Bago lang kayo dito diba? So ako unang naging kaibigan mo. Tara sa bahay laro tayo xbox" aya nya.

Sino pa ba ako para tumanggi?

Kaya pumunta na kami sa bahay nila.

♦End of Flashback♦


At dun na yun nagsimula lahat. Araw-araw akong nasa bahay nila para makipaglaro sa kanya. Pati na rin sa mga kuya nya, dahil ito lagi ang kasama nya sa bahay nila kaya halos puro panglalake ang alam niya. Kasama na sya sa buhay pagtanda ko. At unti unti na rin akong nahuhulog sa madungis na babaeng yun... Ay mali! Mahal ko na pala sya!.

Pero di ko masabi.

At dahil sa koterpehan ko na toh may kasama na naman syang lalake. Lagi nalang syang may kasama na iba. Oo, nagseselos ako.

Gustong gusto kong sabihin ehh. Kaso natatakot ako na baka hindi pala nya ko gusto, na baka kaibigan lang talaga ang turing nya sakin. Marami na kasi akong nabasang ganyan ehh.

Kaya kailangan bago ako gumawa ng 1st move kailangan sigurado ko na may finish line talaga toh. Pero paano ko malalaman na mahal nya rin ako?

"Sef, sasabihin ko na sa kanya. Pero gusto ko sigurado akong may nararamdaman din sya sa akin. Ano bang dapat kong gawin para malaman kung anong tingin nya sa akin?"

"Pagselosin mo" sabi ni Sef.

Pagselosin?

"Ehh paano naman?"

"Simple lang, ayain mo siya sa isang dinner sa restaurant at magsama ka ng napakagandang babae at gumawa kayo ng mga intimate actions and then pag nagmukhang bitter si Jasmine BOOM confirmed na gusto ka rin nya" tumatango tango pa sya.

"Okay, pero sinong babae ang isasama ko?"

"Hmmm.... Aha.. Yung pinsan ko nalang wag ka mag-alala sasabihan ko sya na kunwari lang yung gagawin nyo. Tsaka kasi may boyfriend na yun eh."

"Okay! So kelan pwede yang pinsan mo?" Tanong ko.

"Di ko pa alam eh, itetext ko nalang sayo. I-gu-goodluck nalang kita hahaha! Sana wag ka nang maging torpe haha!"

Sana ma-clear na lahat ng bagay-bagay. Sana gumana toh.

***

Sunshine ang pangalan nung pinsan nya at yung Sunshine pa talaga pumili kung saan kami kakain. Sabi nya sa coffeeshop na ito daw kasi dito nya nakilala yung pinakamamahal nyang Braeden.

Pumayag nalang ako dahil tutulungan nya ako ehhh.

Nakaupo lang ako dito at dumating ang forever ko... Este si Jasmine.

"Hi Brad" bati nya sakin.

Hindi ko alam dito sa babae na toh. Dalaga na pero halos kung manamit parang lalaki. Pero maganda pa rin.

Umupo na sya sa tapat ko "musta na?" Tanong ko.

"Eto single pa rin hahaha" at tumingin sya sa menu "namiss kita" at bumaling sya sakin.

Ewan ko... Pero... Bumilis yung tibok ng puso ko. Ako namiss mo? Ibig sabihin may times na hinahanap mo rin ako?? Sana oo.

"Laro tayo basketball minsan ha!" Aya niya.

" nako wag na! Matatalo ka lang naman ehh" asar ko.

"Ayoko namang manalo ehh gusto ko lang talaga maglaro kasama ka nukaba!" Tinaas nya ang kamay nya, oorder sana pero pinigilan ko.

..... Parang kong kinuryente at tumigil ang buong mundo ko nang hawakan ko ang kamay nya. Unti-unti ko itong ibinaba.

"M-may hinihintay pa kasi tayo" sabi ko.

"Ganun b-" di nya natuloy ang sasabihin nya dahil dumating na si Sunshine.

Tumayo ako.

" Oh sorry, kung natagalan ako" sabi nya at hinawakan ko ang bewang nya at inilapit ko sa akin at binulungan ko siya ng "you know what to do" at nagbeso kaming dalawa at tumingin ako kay Jas na nakataas ang kilay kay Sunshine.

Bat nakataas ang kilay mo?? Please sana di ako nag-aassume. Pag napatunayan ko talaga ngayon na may pagtingin ka sa kin liligawan na kita ora mismo!.

Let the show begin!

Hinawakan ko ang bewang ni Sunshine at nagkatinginan kaming dalawa ngumiti ako sa kanya pero nakangisi sya!! Haaay nako siguro sa utak neto inaasar nya na ako.

I guide her para makaupo sa upuan nakaupo sya sa tabi ko at si Jas sa harap ko.

Tinignan ko si Jas at nakita ko na nakatitig lang sya kay Sunshine. Expressionless ang tingin nito kay Sunshine.

Is this a sign?

"So Jas eto nga pala si Sunshine" tinuro ko si Sunshine "Sunshine, Jasmine nga pala" at tinuro ko si Jasmine.

Nagkamayan sila pero ayaw bitiwan ni Jas ang kamay ni Sunshine at hinigpitan pa lalo ang hawak dito. What the hell? Galit ba sya kay Sunshine? Kung galit sya ibig sabihin nagseselos talaga sya! Di na ko makapaghintay.

Nung nag-bitaw na sila ng kamay nagsalita na ako "So anong inyo? It's my treat girls."

"Akin caramel machiatto " sabi ni Sunshine at ngumiti sakin.

Bumaling ako kay Jasmine at nakatingin lang sya kay Sunshine. Tinawag ko sya para tanungin ang order nya.

"Yung katulad kay Sunshine. Yun yung gusto ko!" Sabi nya.


Huh? Kelan nya pa naisipan? Umorder nun. Pagkakaalam ko ayaw nya nun eh!!


"Okay, as usual hot chocolate lang ako." Sabi ko "dahil bawal talaga ako sa kape." At tumingin kay Sunshine pagkatapos ay kay Jas.


"really? Marami pa pala akong kailangan malaman tungkol sayo" at hinawakan nya ang kamay ko tinignan ko yun at pagkatapos ay bumaling kay Jas at nakatingin ito sa kamay namin ni Sunshine habang nakataas ang kilay nya. Ano? Selos ka na ba?

Dumating na ang order namin. At nagkukwentuhan kami. Napapansin kong matanong si Jas tubgkol kay Sunshine.


Wag ka mag-alala Jas kahit ien-terrogate mo pa yan, ikaw pa rin mahal ko. Naks lumilinya.




***
Nandito kami ngayon ni Jasmine sa kotse ko. Sya ang susunod kong ihahatid dahil inuna ko si Sunshine.


"Ehem... Uhmmm please be honest to me." Basag nya sa katahimikan "What's the real score between you two? Nililigawan mo palang? Fling? Or just friends?"


Eto na ba?? Napagselos ko ba sya?


"Eh ano sayo yun?" Tanong ko. Trying hard to hide my happiness.


"I'm curious"



Well syempre most of the times my instincts are right. And I sense na gusto nyang marinig na friends lang kami ni Sunshine. Well syempre yun naman talaga kaya yun ang sasabihin ko.


"We're just friends" sabi ko at nilingon sya. Habang tumatakbo itong sasakyan nagrereflect sa mata nya ang mga ilaw galing sa labas at mas lalo pa syang gumanda nung ngumiti sya dahil sa sagot ko.


Nakakabakla pero kinikilig ako.


"Buti naman magkaibigan lang kayo, nagselos kasi ak-" di sya natapos dahil hininto ko ang sasakyan dahil nagulat ako sa sinabi nya. At malapit na rin ang bahay nila mga tatlong hakbang nalang.


Pero di nga? Narinig ko yun! Nagselos sya!


Eto na ba ang right time? Kasama ang right person?


"A-ano? Nagselos ka?"


Dahan dahan syang tumango "Kurt I T-think I-I'm Inlove" sabi nya and my heart beat like drumrolls. Drumrolls that so loud but has rhythm.


She is inlove....


Pakapalan nalang ng mukha toh. I breathe heavily "I love you too... Matagal na." Sabi ko at nakita kong nagulat sya.


"Sorry-" sabi nya.


"Hush no need to say sorry, natorpe kasi ako kaya ako ang nagpatagal pa dito" at ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis.



"No Kurt, you get it all wrong" nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko maintindihan "Yes I'm inlove. Pero hindi ikaw Kurt. Hindi sayo"


My heart sank on a cliff full of needles and it kept on bleeding until it wanted to die.

Hindi ko maintindihan. Kung hindi ako? Kanino?

"Sorry Kurt if hindi ko napansin feelings mo. Pero siguro alam ko na kung bakit NBSB ako dahil hindi talaga siguro lalaki ang hanap ko"

What the hell????

"Im attracted... No! Inlove with Sunshine " sabi nya at tinanggal ang seat belts "alam mo naman siguro na mula pagkabata ko napapaligiran na ako ng guy things kaya siguro hindi ko alam kung pano maging babae, sorry talaga! Sige una na ako!" At bababa na sana siya.


"May boyfriend na sya!"


Natigilan sya at unti unting tumango and she faked smile. "ganun ba? Okay lang parang mas bagay nga naman ang lalaki sa babae noh!" Tuluyan na syang bumaba "Sige una na ko salamat"

Tinignan ko lang sya pumasok sa bahay nila. Nung nakapasok sya natulala nalang ako.

Hindi ko maintindihan ang lahat...

And at the same time sabay nadurog ang puso namin.

♥The End♥


Lesson learned: Walang masamang mangarap pero delikado mag-assume. Kung alam mong may chance, edi GO!!. Pero kung simula pa lang wala ka nang kasiguraduhan umiwas ka na. Sabi nga nila prevention is better than cure.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento