"Uy Giecca sorry nag-text si mama kailangan ko na daw umuwi. Ano ayos ka lang ba dito?" Tanong sa akin ni Kim habang inililigpit ang mga gamit nya.
A/N: Gi-Kah ang pronunciation
Nandito kami sa library ngayon. Naisipan namin na kaming dalawa na lang ang partners para sa gagawing report.
Tumango ako "Oo naman! I'm perfectly fine. Madali na lang naman ito" sabay ngiti sa kanya.
"Naku! Sorry talaga ha! Emergency kasi. Sige bye! Uwi ka na rin agad ahh... Malapit na magsara tong library, Anong oras na oh!"
Tumingin ako sa relo ko. Mag aalas-nuebe na.
"Oh sya sya babusshh na!! Ingat ka ahh" sabi nya at umalis habang kumakaway.
"Thanks ingat ka rin!" Sabi ko medyo pasigaw dahil medyo malayo na sya.
Nung nawala na sya tumunganga muna ako. Nakakabaliw ang katahimikan. Habang tahimik ang buong paligid pumapasok sa isip ko ang mga random things.
Iniligpit ko na rin ang gamit ko baka masiraan ako ng bait dito sa sobrang tahimik.
Chineck ko ang bag ko kung may kulang. Nung kumpleto na lahat, lumabas na ako ng library.
Magpapara na sana ako ng jeep kaso pagkakita ko sa wallet ko 200 pesos nalang ang natira. Paano ko ito mapagkakasya sa isang buong buwan?
Naisipan ko nalang maglakad. Kahit na medyo malayo, kaya ko pa naman. Hindi na kasi masyado tumatawag yung isang bar na rinaraketan ko sa pagkanta. May bago kasi na singer na indemand dun ngayon kaya di nila ako masyadong tinatawagan. Rhianne ata yung pangalan? Basta ayun!!
Dun lang ako kumukuha ng panggastos ko. Tsaka paano na yung bayad ko sa apartment? Haay napasapo nalang ako sa noo ko. Naglalakad pa lang ako papunta ng apartment ko andami ko nang iniisip na problema.
Tumigil ako saglit sa paglalakad. Nasa tapat ko ngayon yung park kung saan madalas kami mag-date. Haay andami dami ko na ngang problema dumadagdag pa itong hirap sa pag-momove on.
Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Madilim na dito dahil gabi na pero malinaw na malinaw pa rin ang mga masasayang alaala.
Flashback
Nakasandal ako sa balikat ni Josh habang kumakain ng ice-cream. Nakaupo kami sa bench sa park at nanonood lang sa mga taong dumadaan.
"Giecca alam mo ang bobo mo" Sabi nya kaya napaupo ako ng maayos. Wow! Ang talino nya ahh.
"Aba't Ayos ka ahh!! F.Y.I. Mas matataas pa nga mga grades ko sa yo ehh!" Nag pout ako at nag-cross arms pa.
"Hindi pa kasi ako tapos" sabi nya.
Napatingin ako sa kanya habang nakataas ng kilay.
"Ikaw kasi ang BOBOo sa buhay ko" sabi nya with matching yakap pa.
Enebe kenekekeg eke!!!
"Ahihihi talaga? So ibig sabihin pag wala ako, hindi ka buo?" Tanong ko habang nakangisi.
"Oo you're like my oxygen, I can't live without you." Sabi nya
Gasgas na line pere enebeee grebee ne eteyy!!
End of Flashback
Grabe lang!! Nakakainis kasi di ko sya magawang makalimutan. Kahit corny yung mga banat nya, ayun yung gusto ko na part nya eh.
Nagsimula na ako maglakad ulit. Haay paano ko sya makakalimutan kung mismo ako hindi ko magawang lumayo sa mga lugar na nakapagpapaalala sa kanya.
Pero kahit naman hindi ako pumunta sa kahit saang lugar bigla-bigla nalang syang sisiksik sa isip ko para sya yung isipin ko. Nakakainis kasi di ko magawang pigilan ang pagpasok nya sa utak ko.
Flashback
"Ang haba na ng buhok mo! Para kang si sadako" sabi sa akin ni Josh habang nakahiga sya sa kama nya. May lagnat kasi sya at gusto nyang bantayan ko sya. Pa baby ang peg nya.
"Ang ganda ko namang sadako" sabi ko sabay flip hair. Yeaahh!!
"Hindi mo pa kasi ako pinapatapos ehh" sabi nya. Ayan na naman po sya. Siguradong may cornyng banat na naman ito!!
"Kapag wala ka kasi SAD-AKO" sabay pout nya pa, hindi naman bagay. Pero pag-bigyan na nga.
"Sige na nga, pasalamat ka mahal kita. Kundi nabatukan na kita sa kacornihan mo eh" sabi ko tumawa lang sya.
"Salamat" sabi nya. Hahaha tinotoo nga!!
End of Flashback
Lokohin nya lelang nya!! Sad daw sya pag wala ako, eh ngayon impossible namang hindi sya nagpapakasaya!! Sapakin ko sya ehh.
Psh bakit ba kasi ang layo pa ng lintek na apartment na yun?!! Hindi ko kayang isa-isahin lahat ng memories kasama sya, dahil sa sobrang dami.
Flashback
Lumabas na ako sa kwarto ni Josh. Nakatulog na sya, may konting sinat pa pero sigurado akong keri nya na yun.
Pagkababa ko ng hagdanan nila may narinig akong nagsalita.
"Giecca, right?" Lumingon ako dun sa nagsalita. "I'm Josh's mother"
Bahagya akong yumuko. "Hello, good afternoon po. Giecca nga po" ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti sya pero parang hindi naman masaya.
Medyo lumapit sya sa akin at hininaan ang boses sa sasabihin nya "Didiretsuhin na kita. I want you away from my son" mahina pero may diin ang bawat salita.
Ano? Pero bakit?
"You know bibigyan nalang kita ng pera kung magkano ang gusto mo. Basta ayoko ka para sa anak ko" sabi nya looking directly into my eyes.
Anger is all what I can feel right now. Pinapalabas nya na Gold digger ako!!
"Excuse me ma'am, mahirap nga po ako, pero pinaghihirapan ko ang bawat pera na meron ako" sabi ko trying to sound polite.
"Okay. Kaya nga bibigyan nalang kita ng pera para hindi ka na maghirap!"
"Hindi ko po matatanggap yang pera nyo pero hindi ko rin po magagawang makipaghiwalay sa anak ninyo. Mahal na mahal ko po sya sana maintindihan nyo" lumabas na ako ng bahay nila.
Napaka judgemental naman nung mama nya.
Pero kahit anong mangyari di ako susuko, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko.
End of Flashback
Ayoko nang maalala ito ehh!! Pero kasi kahit saan na ako magpunta parang sinusundan na ako nitong alaala na ito.
Nagkamali ako na kaya ko ngang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Kasi ngayon... Wala na kami.
My mission failed.
Nasa tapat na ako ng pipitsuging apartment ko. Haay kung buhay pa kaya sina mama at papa magiging iba kaya ang kapalaran ko? Magiging pwede ba kami sa isa't isa ni Josh?
Pumasok na ako sa loob. Hinubad ko na ang sapatos ko at inilapag sa lamesa ang bag ko. Nakakapagod maglakad.
Tumunog ang di-pindot na cellphone ko kaya tinignan ko yun. Tumatawag si Sir Remy isa sa mga manager ng bar kung saan ako kumakanta.
Sinagot ko ito.
"Hello po, napatawag po kayo?"
[Giecca naku, maghanda ka para bukas. May isang recording company na napanood ang pagkanta mo! At nagustuhan nila ang pagkanta mo]
My jaw literally dropped. Di ako makapaniwala.
"Totoo po ba yan?"
[Oo naman! Bat ako magjo-joke?]
"Aahh OMG!!! BUKAS NA TALAGA?? hindi ako handa."
[Oo bukas na]
"Paano yan anong kakantahin ko?"
[Kantahin mo kung anong nararamdam mo ngayon. Madali lang naman maghanap ng kanta. Kaya mo yan! Oh sya itetext ko nalang sa yo ang ibang detalye. byebye]
"Oh sige po salamat"
Ibinaba nya na ang telepono. Di pa rin ako makapaniwala.
Pero seryoso bukas na agad??
Ano ba ang nararamdaman ko ngayon?
Isa lang naman ang nararamdaman ko ehh. Gusto ko nang ipakita sa lahat na malakas na ako. Na oo masakit pa, pero babangon na ako. Papatunayan ko na kayang kaya ko kahit ako lang mag-isa. Mas malakas ako kahit sa anumang problema.
----------------------------
Nag thumbs up ako dun sa mga tao sa kabilang side ng glass para ipakita na ready na ako.
Hindi lang ready sa pagkanta kundi ready sa pagbabago. Ngayon kung maganda ang kalalabasan ng recording ko, magfo-focus ako dun para tuluyan ko na rin syang makalimutan.
Nagsimula na tumugtog.
♪♪Like a small boat, on the ocean
Sending big waves, into motion
Like how a single word, can make a heart open
I might only have one match
But I can make an explosion♪♪
Ililibing ko na talaga ang lahat ng alaala kasama sya. Toxic lang sya sa buhay ko.
♪♪ And all those things I didn't say
Wrecking balls inside my brain
I will scream them loud tonight
Can you hear my voice this time?♪♪
Huminga ako ng malalim at ibinuga ito ng malakas. Ibinubuga lahat ng mga problema. Susubukan ko na munang ienjoy ito. Kahit na medyo kinakabahan.
♪♪This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
Cause I've still got a lot of fight left in me♪♪
Pumikit ako.
♪♪Losing friends and I'm chasing sleep
Everybody's worried about me
In too deep, Say I'm in too deep
And it's been two years
I miss my home
But there's a fire burning in my bones
Still believe, Yeah I still believe ♪♪
♪♪ And all those things I didn't say
Wrecking balls inside my brain
I will scream them loud tonight
Can you hear my voice this time?♪♪
♪♪ This is my fight song
Take back my life song
Prove I'm alright song
My power's turned on
Starting right now I'll be strong
I'll play my fight song
And I don't really care if nobody else believes
Cause I've still got a lot of fight left in me ♪♪
This is the beggining. Simula ngayon hindi na ako lalaban para kanino o para sa kahit na ano.
Simula ngayon lalaban ako para naman sa sarili ko.
--------------
Pagkatapos ng recording lumabas ako ng recording studio at sinalubong ako ni sir Remy.
"Giecca iba ka talaga! Sigurdong magiging malaking break ito para sayo !" Masayang masayang sabi ni sir Remy.
Nginitian ko siya.
Tinignan ko ang cellphone ko para makita ang oras nang biglang magsalita si sir Remy.
"Psst Giecca eto nga pala si ma'am Liano"
Napalingon ako sa babaeng katabi na ngayon ni sir Remy.
"Sya yung nakasiscover sayo at sya rin may ari ng studio na ito...."
Hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi ni sir Remy. Natulala nalang ako sa babaeng kaharap ko na para bang nakikita ko na si kamatayan sa harap ko.
Bigla akong nanghina. Bumilis at bumigat ang tibok ng puso ko. At may narinig akong nakakabinging malakas na tunog hanggang sa magdilim ang lahat.
♥♥The End♥♥
---------------------------------------
I'm planning on making a sequel to this story so hintay hintay lang guys
Fight Song by: Rachel Platten
Lesson learned: Ang bawat problema ay hindi nasusulusyunan sa pag-dagdag ng isa pang problema. Kailangan mong kaharapin ito kahit na sa tingin mo hindi mo ito kaya. Matuto tayong huwag dumepende sa iba, may kanya kanya tayong buhay kaya kailangan mag- desisyon tayo para sa sarili natin kung ano ang ikasasaya natin. Ang past natin wag nyo masyadong problemahin, dahil paghahanda lang yun para sa future na nag-hihintay sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento